Ilang kasunduan ang nalagdaan sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Bogor Presidential Palace sa Jakarta.
Kabilang dito ang memorandum of agreement (MOA) hinggil sa plan of action mula 2022 hanggang 2027 na naglalayong lalo pang palakasin ang bilateral relations ng dalawang bansa.
Nalagdaan din ang memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng dalawang bansa hinggil sa cultural cooperation, kasunduan para sa kooperasyon sa defense at security at development at promotion sa kalakalan at ekonomiya.
Kabilang sa mga lumagda sa mga kasunduang ito ang kinatawan ng bansa na sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Trade Secretary Alfredo Pascual na sinaksihan naman ng dalawang presidente.
Narito ang joint statement nina Pangulong Marcos at Widodo: