-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pina-iimbestigahan na ng Philippine Anti-Corruption Commission o PACC ang Dankias-Danapa road concreting project sa Brgy Dankias, Butuan City, na gumuho isang buwan matapos itong mai-turn over.

Ito’y matapos aktwal na masaksihan sa kanilang isinagawang inspeksyon kungsaan gumuho ito sa kabila na walang naganap na landslide sa mismong project site.

Ito’y malinaw na paglabag umano sa Department of Public Works and Highways o DPWH Standard Specifications na dapat sana’y may tamang compaction, slope protection, at proper drainage para sa mga road projects.

Ayon kay Butuan City District Engr Jose Caesar Radaza, technically wrong ang nai-post na mga detalye ng proyekto dahil dalawa umano ang contractors nito kungsaan ang unang bahagi ng 20 hanggang 30-metrong road concreting na sila ang nagtrabaho, ay natapos na.

Habang ang pangalawang bahagi ng proyekto umano na syang gumuho, ay trabaho ng DPWH-Caraga kungsaan kasama sa gumuho ay ang project billboard kung kaya’t ang kanilang billboard ang nakunan ng mga detalye at syang maling nai-post.