Nagsagawa ngayong araw ng demonstrasyon ang ilang grupo sa harap ng Korte Suprema, Maynila upang ipakita ang pagtutol sa pagpapataw ng mas mataas na singil sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Panawagan nila sa Kataas-taasang Hukuman na maipawalang-bisa ang utos ng Manila International Airport Authority nagsanhi sa pagtaas ng singil sa ‘terminal fee’.
Ayon sa grupong SANDIGAN o Samahan ng mga Domestic Helper sa Gitnang Silangan, reklamo nila ang pagtaas mula sa P550 terminal fee na aakyat sa halagang P950 sa susunod na taon.
Giit nila’y may apekto rin umano ito sa pagkawala ng trabaho ng ilan at pagtaas sa presyo ng mga bilihin, ani ng grupo.
Kaya’t kasabay ng pagsasagawa ng kilos protesta ngayong Martes, kanilang mariin tinututuan pa ang ‘privatization’ ng NAIA.
Hiling nila sa Kataas-taasang Hukuman na baliktarin nito ang inilabas na kautusan ng Manila International Airport Authority.
Habang noong nakaraan buwan naman ng Agosto ay maaalalang may ilang grupo na rin ang naghain at nagsumite ng kani-kanilang hiling sa Korte Suprema para mapawalang bisa ang naging ‘public-private partnership’.