-- Advertisements --

Kinumpirma ni DILG Secretary Año sa Bombo Radyo na nakatakdang magdesisyon ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang kaniyang pipiliin na maging susunod na OIC PNP chief, kasunod ng pagreretiro sa serbisyo ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa May 8,2022, isang araw bago ang halalan.

Una ng sinabi ni Año na dalawang pangalan ng PNP officers ang kaniyang isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“He is going to decide within the day Anne,” mensahe na ipinadala ni Sec. Ano sa Bombo Radyo.

Kung ang PNP leadership ang susundin, si PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia ng PMA Class of 1989 ang otomatikong susunod sa pwesto.

Gayunpaman ang pagpili ng PNP chief ay discretion ng Pangulong Duterte.

Bukod kay Sermonia, si PNP Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Vicente Danao Jr ang isa sa mga pinagpipilian din na miyembro ng PMA CLass of 1991 at si NCRPO Chief M/Gen. Felipe Natividad na miyembro ng PMA Class of 1990.