-- Advertisements --

Lumabas sa resulta ng bagong surver na isinagawa ng Social Weather Station na 9 sa 10 Pilipino ang nangangamba na magkaroon ng coronavirus disease ang kanilang mahal sa buhay.

Sa survey na ginawa mula Hulyo 3 hanggang 6, lumabas na 85 percent ng 1,555 respondetns ang takot na mahawaan ng deadely virus ang sinomang myembro ng kanilang pamilya.

Nasa 67 percent naman ng mga respondents ang bahagya lamang na nakararamdam ng takot at sa kabila ng malubhang epekto ng pandemic sa buong mundo ay may 7 percent pa rin na hindi nababahala rito.

Batay din sa survey, mas maraming Pinoy ang takot na tamaan ng COVID-19 kaysa sa ibang gamot na wala pa ring lunas hanggang ngayon tulad ng Ebola, swine flu, brid flu at Sever Acute Respiratory Syndrome (SARS).

Inilunsad ang naturang survey ilang araw lamang matapos luwagan ang umiiral na community quarantine sa ilang parte ng bansa simula noong Hulyo 1.

Makikita rin sa resulta na 92 percent ng takot sa COVID-19 ay mula Metro Manila, 87 percent ang galing sa ilan pang parte ng Luzon, 85 percent ang sa Visayas habang 77 percent ang sa Mindanao.

Hindi naman nagkukulang ang Department of Health (DOH) na paalalahanan ang publiko na palaging sumunod sa mga pinatupad na minimum health standards hindi lamang sa mga pampublikong lugar ngunit pati na rin sa loob ng kanilang sariling tahanan.

Binigyang-diin din ni Vergeire na bawat indibidwal ay kinakailangang mag-ingat dahil nagpapatuloy pa rin ang laban ng bansa sa naturang pandemic.

Ginawa ni Vergeire ang paalalang ito matapos ilabas ng South Korea ang kanilang pinakabagong pagsisiyasat kung saan nakakita umano sila ng ilang indikasyon na mataas ang posibilidad ng household transmission ng COVID-19 sa nasabing bansa.