CENTRAL MINDANAO- Galit at kinondena ng mga local officials at mamamayan ng Central Mindanao ang pananambang sa dating Bise-Gobernador ng probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Rolly Recinto,80 anyos,may asawa at residente ng Purok Inamnama Barangay Poblacion Lambayong Sultan Kudarat.

-- Advertisement --

Ayon sa ulat ng pulisya sakay si Recinto ng kanyang L-200 pick-up ng itoy paputukan ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola at M16 armalite rifles sa Brgy Belumin sa bayan ng Lambayong.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Si Recinto ay dati din alkalde sa bayan ng Lambayong Sultan Kudarat.

Ang biktima ay nag-iisa lamang at galing ng Tacurong City papauwi na sa kanyang tahanan sa bayan ng Lambayong ng itoy tambangan.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa pamilya ng biktima na kilalang makamasa at marami ang natulungan habang nasa serbisyo pa ito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Lambayong PNP sa pananambang sa biktima.