-- Advertisements --

Umabot na sa 1,300 ang mga nasirang silid-aralan matapos na manalasa ang bagyong Opong sa bansa ayon sa Department of Education (DepEd)

Batay sa ulat ng ahensya nasa 891 sa mga paaralan ang nagtamo ng minor damaged habang 255 dito ang lubhang napinsala at 254 classrooms naman ang tuluyang nasira dahil sa hagupit ng bagyong Opong.

Sa ulat ng Disaster Risk and Reduction and Management Service (DRRMS), tinatayang nasa 13 million na studyante at kabuuang 569,251 na guro at mga emplyedo ng ahensya ang apekatado ng nagdaang mga bagyo.

Kaugnay nito mahigit 121 na paaralan naman ang kasalukuyang ginagawang evacuation center ng mga residenteng apektado ng mga nagdaang bagyo.

72 dito ay naitala sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), at 35 sa Eastern Visayas (Leyte, Southern Leyte, Samar, Easthern Samar, Northen Samar at Biliran).

Samantala tiniyak naman ng DepEd ang agarang aksyon kung saan nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga Local government units (LGU’s) para sa mas mabilis na pagpapatupad ng protocol at paghahanda para sa pagbabalik ng klase.

Gayundin ang pag-monitor sa iba pang naging epekto ng mga nagdaang bagyo sa mga paaralaan at studyante.