janette garin
Ex-DOH Sec. Janette Garin during Senate probe on Dengvaxia controversy

ILOILO CITY – Hindi pa rin makapaniwala si dating Department of Health (DOH) Sec. Janette Garin na pagkakatiwalaan ito ng mga botante ng 1st district sa lalawigan ng Iloilo

Si Garin ay siyang bagong kongresista sa unang distrito sa Iloilo kung saan naungusan nito ang kanyang katunggali na si dating Miag-ao Iloilo Mayor Gerardo Flores.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Garin, sinabi nito na nagpapatunay lang ang kanyang panalo na hindi masisira ng Dengvaxia controversy ang kanyang hangarin na magserbisyo.

Ayon kay Garin, hindi basta-basta maniniwala ang mga botante sa mga paninira na ibinabato sa kanya ng katunggali nito sa politika dahil matalino ang mga ito.

Pangunahing tututukan daw ni Garin sa pag-upo nito bilang kongresista ay pagtulak ng batas upang mas mapabuti ang serbisyo ng DOH.