Reading Time: 1 minute
Lalaine Yuson1
Lalaine Yuson

LEGAZPI CITY – Duda ang Pamilya Yuson na mabibigyan ng sapat na seguridad ng kapulisan matapos na ibunyag ang natatanggap na mga banta sa buhay dahil sa matinding isyu ng pulitika sa Batuan, Masbate.

Ito ay kasunod ng nangyaring pamamaslang kay Vice Mayor Charlie Yuson III sa Sampaloc, Manilana ikinasugat rin ng dalawang iba pa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Municipal Coun. Emil Glenn Yuson, pamangkin ng pinatay na vice-mayor sa Batuan, mistulang hindi umano nararamdaman ang presensya ng pulisya sa nasabing bayan.

Subalit umaasa pa rin ang pamilya na maihahain ang agarang hustisya para sa sinapit ng tiyuhin gayundin ang katotohanan sa likod nito.

Inaasikaso na rin mula sa Manila ang pag-uwi sa labi ng bise alkalde patungo sa Masbate.

Sa pagkamatay ng bise alkalde, naulila nito ang apat na anak at asawang si Lalaine.