Nais ng pamilya ng nasawing si Philippine Merchant Marine Academy third class cadet Jonash Bondoc ng mabigat na kaso laban sa may kagagawan ng pagkamatay nito.
Ayon sa kapatidnitong si Glaiza Bondoc na dapat ay murder ang isinampa sa suspek at hindi homicide.
Naniniwala kasi ang pamilya ng biktima na base sa medico-legal report mula sa Zambales City Crime Laboratory Office na nagtamo ng maraming sugat sa ulo, mukha, dibidib at mga braso ang biktima.
Malinaw aniya ayon kay Glaiza namatay ang kapatid nito sa pambubugbog.
Dahil sa nasabing kaso ay pansamantalang nakalaya ang suspek na si PMMA second class cadet Jomel Gloria na umaming sinuntok niya ng dalawang beses si Jonash bilang uri ng pamamaalam bago umuwi sa kanilang probinsiya.
Hindi na aniya nila muling ma-autopsy muli ang bangkay ng kapatid dahil ito ay kanilang nai-cremate matapos na lumabas na nagpositibo umano ito sa COVID-19.
Nais din ng kaanak ng biktima na muling mabuksan ang kaso kahit na ikinokonsidera ng mga kapulisan na ang kaso ay sarado na.