Ipagdiriwang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Pasko at Bagong Taon ng hindi kasama ang kaniyang pamilya.
Ito ay matapos ipagbawal ng International Criminal Court (ICC) ang pagdalaw sa kasagsagan ng holiday.
Kinumpirma naman ng nakababatang anak ng dating Pangulo ang naturang impormasyon na si Veronica Duterte.
Aniya, kailan lang niya ito nalaman at dismayado aniya ang dating Pangulo nang ipaalam na hindi nila siya mabibisita sa Pasko at Bagong Taon.
Sa kabila nito, sinabi ni Kitty Duterte na mananatili sila sa labas ng ICC detention facility kasama ang kaniyang ina at mga Pilipino at banyagang tagasuporta ng dating Pangulo.
Muli ngang dumating si Kitty Duterte sa The Hague, Netherlands noong Disyembre 19.
Ayon kay Kitty Duterte, nang bisitahin niya ang kanilang ama, ok siya bagamat hindi ito nasa “best state” at hindi na kasing lakas gaya ng dati. Nagtapos ang kanilang pagbisita sa dating Pangulo sa pamamagitan ng pagdarasal.















