Nakatakdang ilunsad ng Social Security System (SSS) ang pagbubukas ng mga microloan programs at ang dagdag pension sa kanilang mga benepisyaryo sa susunod na taon.
Ayon sa pamunuan ng SSS, posibleng ipatupad ang dagdag pension sa unang bahagi ng Setyembre bilang bahagi ng kanilang three-phase pension reform kasabay nang pagpapalawig ng domestic at overseas operations at pagtanggap na rin ng mga tauhan o personnel para sa mas maayos na pagbibigay serbisyong publiko.
Ang microloan programs naman ay inaasahang maiimplenta pagpasok ng unang bahagi ng taong 2026 kasunod ng naging pagapruba nito ng Social Security Commission noong Disyembre 17.
Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Robert Joseph Montes de Claro, layon ng mga inisyatibong ito na makatulong sa kanilang mga benepisyaryo.
Samantala, nauna na dito ay nakatakda ring magkaroon ng dagdag pension sa Setyembre 2027 bilang bahagi naman ng kanilang pension reforms.













