-- Advertisements --
Pinasalamatan ng mga kaanak ng bihag ng Hamas si US President Donald Trump dahil sa pagpursige nito na tapusin ang giyera sa Gaza.
Sa ikalawang taong anibersaryo ng pag-atake ng Hamas sa Israel ay nagsagawa ng pagtitipon ang mga kaanak ng nabihag ng Hama.
May dala silang mga karatula na nagpapasalamat kay Trump at may katiyakan na mapalaya ang mga bihag.
Nagpapatuloy ang ginagawang pag-uusap ng Hamas at mga kinatawan ng Israel sa Egypt para peace plan ni Trump na tapusin ang giyera.
Tinatayang nasa 48 pa na bihag ngayon ang hawak ng Hamas kung saan 20 sa mga dito ay buhay pa.