-- Advertisements --

Inanunsyo ng U.S. Department of Homeland Security na tatapusin ang Temporary Protected Status (TPS) para sa mga Somali sa Amerika, at kailangang umalis bago Marso 17, 2026.

Ang hakbang ay bahagi ng lumalawak na crackdown sa mga imigrante, lalo na sa Minnesota kung saan may pinakamalaking Somali community at nagaganap ang mga raid ng Immigration and Customs Enforcement’s (ICE).

Humigit-kumulang 2,000 katao ang naaresto sa mga sweeps, at isang lokal na babae ang nabaril ng isang ICE officer, na nag-udyok ng protesta.

Tinuligsa ng Somali-American Congresswoman Ilhan Omar ang administrasyon, at sinabi niyang sinusubukan nitong takutin ang komunidad.

Ang Temporary Protected Status (TPS) ay nagbibigay proteksyon laban sa deportation at karapatang magtrabaho, ngunit hindi na ito naaangkop sa kasalukuyang sitwasyon. (report by Bombo Jai)