Ibinunyag ni Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice na posibleng sampahan ng impeachment complaint si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Erice may mga impormasyon siyang nakuha na may ilang mga Kongresista ang magsasampa ng impeachment complaint sa Pangulo sa Pebrero sa susunod na buwan sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara.
Inihayag ni Erice na hindi lamang si Vice President Sara Duterte ang posibleng sampahan ng impeachment complaint lalo at sa darating na Pebrero 6,2026 mag expire ang one year bar rule.
Ayon kay Erice dalawa ang pakaka abangan sa susunod na buwan na mukhang magiging exciting.
Tumanggi naman si Erice pangalanan sino itong mga kongresista na maghahain ng impeachment complaint laban kay PBBM.
Hindi naman masabi ni Erice na makakakuha ng sapat na bilang mula sa Kongreso sa impeachment complaint laban sa Pangulo.
Nilinaw naman ni Erice na hindi niya iendorso ang anumang impeachment complaint.
















