-- Advertisements --

Iprenisenta na ng Pentagon kay US President Donald Trump ang mga options na target sa Iran.

Kasama na dito ang pagtarget sa nuclear program at ballistic missile sites ng Iran.

Ilan sa mga itinuturing nilang mga option din ngayon ay ang cyberattack o pag-atake laban sa domestic apparatus ng Iran.

Inihanda na rin ng US Navy ang kanilangtatlong missile firing destroyers sa Middle East region kabilang na rin ang isang missile-firing submarine.

Una rito ay pinalikas na ng US ang kanilang mga personnel na nakatalaga sa Al Udeid Air Base sa Qatar bilang paghahanda sakaling gumanti ang Iran.

Magugunitang nagmatigas si US President Donald Trump na mapipilitan na itong makialam sa kaguluhan sa Iran matapos ang pagkasawi ng ilang libong mga protesters.

Hindi naman natinag dito ang Iran kung saan inihanda na rin nila ang kanilang mga sundalo.