PNP ILOILO
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng pamilya ng babae na natagpuan na puno ng saksak sa loob ng sports utility vehicle (SUV) na pagmamay-ari ng anak ni dating San Dionisio, Iloilo Mayor Peter Paul Lopez.

Ang biktima na si Claire Diergos, 36 anyos, residente ng Dagsaan, Buenavista, Guimaras.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ruth Garvillo, tiyahin ni Claire, sinabi nito hindi nila lubos akalain na magiging kagimbal-gimbal ang sasapitin ng kanyang pamangkin.

Ayon kay Garvillo, maging sila ay blangko rin sa motibo sa pagpatay sa kanyang pamangkin dahil masekreto siyang tao.