Carlywn Baldo
Carlwyn Baldo

LEGAZPI CITY — Labis ang pasasalamat ngayon ng pamilya Batocabe sa panibagong development sa kaso ng pamamaslang kay Rep. Rodel Batocabe.

Ito’y matapos ipag-utos ng korte ang pag-aresto kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo, kaugnay ng kinakaharap nitong dalawang bilang ng kasong murder matapos na masangkot sa pagpaslang sa mambabatas.

Ayon kay Atty. Justin Batocabe sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, malaki ang pasasalamat nila sa hudikatura, pulisya, piskalya at iba pang ahensya ng pamahalaan na sumubaybay sa pag-usad ng kaso.

Dagdag pa nito na hangad nila na maaresto na sa lalong madaling panahon ang subject ng arrest warrant lalo na si Baldo na itinuturong mastermind sa pagpatay sa ama.

Nabatid na wala si Baldo sa tahanan nito ng isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest laban sa kaniya.