-- Advertisements --

Nakitaan ng “malaking improvement” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ikalawang linggong pamamahagi ng cash assistance ng ahensiya.

Ayon kay Department of Social Welfare Development (DSWD) Assistant Secretary Romel Lopez, ito ay batay sa isinagawa nilang assesment.

“Malaking improvement ang nangyari sa ikalawang linggo ng pamamahagi ng educational assistance para sa mga mahihirap na estudyante noong Sabado,” pahayag ni Lopez.

Una ng nakipag-ugnayan ang DSWD sa mga local government units para tumulong sa proseso ng payout.

Ito’y kasunod ng mga ulat ng magulong pamamahagi sa paglulunsad ng programa noong nakaraang linggo.

Kinumpirma ng DSWD na nahinto ang pagbabayad sa bayan ng Boac sa Marinduque dahil sa pagdami ng mga walk-in applicants.

Muling iginiit rin ng ahensya na hindi hinihikayat ang walk in sa pagbigay ng cash assistance para na rin sa kaligtasaan at kalusugan.