-- Advertisements --

Muling pinag-iingat ng NDRRMC ang mga residente ng Puerto Princesa City, Palawan, para sa posibleng pagbagsak ng debris mula sa panibagong rocket launch ng China.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), may Notice to Airmen (NOTAM) na inilabas kaugnay ng posibleng pagbagsak ng debris mula sa Long March 8A rocket ng China.

Ang drop zone ay tinatayang nasa 40 nautical miles southeast ng Puerto Princesa Airport, at may panganib sa mga sasakyang panghimpapawid, barko, at bangkang pangisda na maaaring dumaan sa lugar.

Nagpaalala rin ang Philippine Space Agency (PhilSA) na ang mga debris ay maaaring magpalutang-lutang sa dagat at mapadpad sa kalapit na baybayin.

Bagama’t hindi inaasahang babagsak sa lupa o tirahang lugar, may posibilidad pa rin ng uncontrolled re-entry ng rocket’s upper stages mula sa kalawakan.

Pinayuhan ang publiko na huwag lapitan o pulutin ang anumang debris na maaaring naglalaman ng nakalalasong kemikal tulad ng rocket fuel.

Ang mga lokal na otoridad ay dapat kaagad na ipagbigay-alam kung may makitang kahina-hinalang bagay sa dagat o baybayin.