-- Advertisements --

Iniulat ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang pag-angat ng kabuuang produksyon ng mais at palay sa Pilipinas sa unang bahagi ng 2025.

Ito ay batay sa bagong repot na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa pagtaya ng PSA, ang palay production sa kalahating bahagi ng 2025 ay pumalo sa 9.08 million metric tons, mas mataas ito ng 6.4% mula sa 8.53 million tonelada sa kahalintulad na panahon noong nakalipas na taon.

Lumaki rin ng 2.7% at umabot hanggang 2.12 million ektarya ang kabuuang lugar na nataniman ng palay matapos gamitin ng husto ng mga magsasaka ang tubig ulan sa rainfed na mga lugar.

Ang karaniwang ani sa unang bahagi ng bawat taon ay kalimitang umaabot sa mahigit 40 percent ng taunang produksiyon, batay sa record ng DA.

Gayonpaman, lumalabas sa pinakahuling datus na nalagpasan ng bansa ang 2025 target ng DA na 20.46 million metric tons

Nakitaan din ng pagtaas ng produksiyon ng mais, naitala ang 5.2 percent year-on year ng 3.9 million tonelada.

Ito ay dulot na rin ng 27% na pagtaas sa second quarter output na 1.5 million tonelada.

Sa kabila nito, ang kabuuang lugar na nataniman ng mais ay bahagyang bumaba ng 1.049 million ektarya mula 1.052 million ektarya noong 2024.

Ayon kay Sec. Laurel Jr., malaking tulong dito ang magandang kundisyon ng panahon at pananatili ng suporta ng gobyerno para sa mga magsasaka sa buong bansa.