Plano ngayon ng Department of Health (DOH) na ideklara ang national public health emergency dahil sa pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) infections.
Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, na pumalo na sa 500 percent ang pagtaas ng HIV infections sa mga edad mula 15 hanggagn 25.
Labis na nakakaalarma dahil ang naitalang pinakabata ay 12-anyos na babae mula sa Palawan kung saan nakuha ang virus sa pakikipagtalik.
Dagdag pa ng kalihim na ang Pilipinas ang siyang may pinakamataas na kaso sa Western Pacific Region at ang labis na nakakabahala ay karamihan sa mga bikitma ay mga kabataan.
Nagbabala pa ang kalihim na kapag walang hakbang ng ginawa ang gobyerno ay posibleng aabot na sa 400,000 ang kaso sa buong bansa.
Isa sa mga nakikitang dahilan ng DOH na kaya lumubo ang bilang ng kaso ng HIV ay dahil sa pagtaas ng paggamit ng social media at mga dating apps.