Tiniyak ng Malakayang na handang handa na ang Department of Education para sa halalan sa Lunes, May 12, 2025.
Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro, batay sa ulat ni Education Secretary Sonny Angara sa Palasyo magkakaroon sila ng nationwide deployment ng election task force simula sa linggo, May 11.
Kabilang aniya sa magiging tungkulin ng task force ay magsagawa ng realtime monitoring sa sitwasyon ng mga guro sa buong bansa.
Handa na rin aniya ang pondo para sa honoraria ng mga guro na magsisilbing board of election inspectors.
Mayroon na rin aniyang pondo na gagamitin para sa paglilinis ng mga paaralan bago at matapos ang eleksyon.
Dagdag pa ni Castro kasado na rin ang partnerships ng DepEd sa pagitan ng Comelec, AFP, at PNP para tiyakin ang seguridad, legal at medikal na tulong para sa mga guro at kaligtasan ng lahat ng mga boboto.
Katuwang din nila ang Integrated bar of the Philippines (IBP) at Public Attorneys office (PAO)para magbigay ng libreng legal na tulong sa mga guro laban sa anupamang harassment o bantang legal.
Sa ngayon maituturing na all-set na ang pamahalaan para sa nalalapit na midterm elections.