Nilinaw ng Palasyo Malacañang na hindi na regular holiday ang Pebrero 25, 2023 matapos na ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Pebrero 24 bilang special non-working holiday.
Sa pamamagitan ng Proclamation No. 167, inilipat ng Punong Ehekutibo ang February 25 na holiday sa Pebrero 24 para mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na makapag-avail ng kanilang mga benepisyo para sa longer weekend salig sa prinsipyo ng holiday economics sa kondisyon na mapanatili pa rin ang kahalagahan ng makasaysayang EDSA People Power Revolution Anniversary.
Sa ngayon, wala pang inaanunsiyo ang Malacañang kaugnay sa mga aktibidad ng Pangulo kaugnay sa anibersaryo ng EDSA People Power.
Matatandaan na una ng idineklara ang Pebrero 24 bilang special non-working holiday para markahan ang anibersaryo ng EDSA revolution kapalit ng Pebrero 25, 2023 na nakagawian bilang regular working holiday