-- Advertisements --

Isinusulong ngayon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang dagdag na proteksyon at benepisyo para sa mga mamamahayag.

Batay sa Senate Bill No. 1820 o “Media Workers’ Welfare Act,” kinikilala umano niya ang kahalagahan ng media sa lipunan, kaya nararapat lamang na mabigyan ang mga ito ng angkop na proteksyon.

Marami umanong media practitioners ang nalalagay sa panganib para sa pagkalap ng kinakailangang balita at impormasyon, ngunit karamihan din sa kanila ay walang sapat na sahod at iba pang benepisyo.

“Our media workers have sacrificed a lot in the name of public service. They spend more time with their microphones and cameras, recorders, and laptops than their beds, their fur babies, and their loved ones. It is time for the government to level up with them and provide them a safe and protected atmosphere conducive to productive, free, and fruitful media work,” wika ni Sotto.

Wala rin umanong natatanggap na hazard pay ang ilan, kahit may pagkakataong buwis buhay na halos ang kanilang assignment.

Ayon kay Sotto, kung maisasabatas ang kaniyang panukala, mahaharap sa multang P30,000 hanggang P5 million ang employers na hindi tatalima sa “Media Workers’ Welfare Act.”