Nakatakdang palayain na ng Pakistan ang kanilang dinukot na Indian pilot ngayong araw ng Biyernes.

Sinabi ni Pakistani Prime Minister Imran Khan, na ang nasabing hakbang ay bilang pagpapakita ng pag-aayos sa India.

Ibinunyag nito ang desisyon sa paghaharap niya sa mga miyembro ng parliyamento.

Nauna rito hinuli nila si Abhinandan Varthaman matapos na pabagsakin ng Pakistan ang fighter jet na minamaneho nito.

Ikinatuwa naman ng Indian Air Force ang nasabing balita.