-- Advertisements --
Pinalawig ng Quiapo Church ang traditional na “Pahalik” sa imahe ng Jesus Nazareno.
Ayon kay Father Ramon Licuanan, na magiging hanggang Enero 10 ng alas-10 ng umaga ang nasabing aktibidad.
Ang nasabing pagpapalawig ay dahil sa pagdami na rin ng mga deboto ng Jesus Nazareno.
Nataon din na araw ng Biyernes ang nasabing Traslacion kaya tiyak na maraming tao ang dadalo.
Nitong araw lamang ng Huwebes o isang araw bago ang Traslacion ay dumagsa ang mga deboto sa Quirino Grandstand para sa tradisyunal na pahalik.
Nagsimula ang ‘pahalik ‘ sa Jesus Nazareno nitong Miyerkules , Enero 7.
















