Tiniyak ng Palasyo Malacanang na magpapatuloy ang mga inisyatibo ng gobyerno sa pagtugon sa epekto ng inflation, kahit nagkaroon ng pagbagal ang pagmahal ng mga bilihin at serbisyo nitong Marso.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), may mga hakbang ang pamahalaan para mapababa ang presyo ng mga bilihin at gagawin ito kahit may pagbuti na sa resulta.
Inaasahan umanong mas magiging mabagal pa ang galaw nito, alinsunod sa target bago matapos ang taon.
Una rito, bumaba sa 7.6% ang inflation rate noong nakaraang buwan ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Makikitang malaking ang improvement nito mula sa 8.6% noong Pebrero 2023 at 8.7% noong Enero 2023 dahil sa presyo ng mga pagkain tulad ng gulay at karne.
Malaki ring bahagi dito ay ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel sa sektor ng transportasyon, basic utilities tulad ng tubig at kuryente, gayundin ang presyo ng liquified petroleum products at kuryente.