Umapela ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na aprubahan ang leave ng mga empleyado kasabay ng Undas break.
Ito ay upang makauwi ng maaga ang mga ito sa kanilang mga probinsya lalo na ang mga magmumula pa sa National Capital Region (NCR).
Binigyang-diin din ng ahensiya na ito ay mahalagang pagkakataon para magkaroon ng mahaba-habang oras para makapiling ang kanilang pamilya at madalaw ang mga puntod ng kanilang magulang, anak, o malapit na kamag-anak na una nang namayapa.
Apela ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa mga employer, pagbigyan ang leave request ng kani-kanilang mga empleyado at ituring ito bilang pabor sa kanilang well-being.
Ilang araw bago nito ay naglabas ng panuntunan ang DOLE para sa tamang pasahod para sa mga manggagawang papasok sa October 31, November 1, at November 2.
















