CEBU CITY – Patay ang isang policewoman matapos umano itong makipagbarilan sa kanyang asawa ring pulis sa Sitio Ingod, Brgy. Sentro, Tubigon, Bohol.

Kinilala ang biktima na si PSSgt. Juliet Tuquib na nakadestino sa Clarin, Bohol Police Station habang ang asawa nito ay kinilalang si PSSgt. Ariel Tuquib na na-assign sa Police Holding Account Unit (PHAU) sa Camp Sergio OsmeƱa, Cebu City.

-- Advertisement --

Batay sa imbestigasyon, nakarinig na lang ng putok ang katulong sa loob ng kuwarto ng mag-asawa, dahilan kaya tumawag ito ng pulis.

Nang rumesponde ang mga otoridad, hirap pa itong makapasok sa loob ng silid dahil nakalock kaya sinira na lang nito ang pinto.

Nang mabuksan, tumambad sa mga pulis ang nakahandusay na katawan ng babaeng pulis na naliligo na sa kanyang sariling dugo, habang ang asawa umano nito ang nakaupo habang nahihilo na at may tama sa mukha na pinaniniwalaang binaril din ng kanyang asawa.

Nabatid rin na may problema ang mag-asawa sa kanilang relasyon dahil palagi umano ng naririnig ng katulong na nag-aaway ito.

Sinubukan ring dalhin ng mga pulis si Juliet sa pagamitan ngunit idineklara na itong dead on arrival.