May mga heavy lift crane vessels na ang patungo sa pantalan ng Baltimore para matanggal ang mga debris at mga sasakyang nahulog matapos na magiba ang Francis Scott Key ng tamaan ito ng barko.
Ayon kay director of intergovernmental affairs Tom Perez, na lahat ng tulong ay kanilang ginagawa para matanggal ang mga debris ay mahanap ang apat na iba pa.
Matapos kasing mahanap ang dalawang bangkay mula sa gumuhong tulay ay itinigil ng mga rescuers ang paghahanap.
Mapanganib aniya para sa mga rescuers ang paghahanap ng mga bangkay dahil sa mga debris at mga sasakyang nasa ilalim pa ng tubig.
Una ng sinabi ng White House na pagbabayaran nila ang Dali Ship na pag-aari ng Grace Ocean Private isang Singaporean-based company.
Inamin din ng mga otoridad na baka abutin pa ng dalawang taon para matapos ang buong imbestigasyon sa insidente.