-- Advertisements --

Tumaas ang rolling cargoes o mga truck na nagkakarga ng mga produkto sa Batangas Port.

Ayon kay Dr. Joselito Sinocruz, port manager ng Batangas Port, napuna nila ito mula noong Sabado, kasunod na rin ng load limit na ipinatutupad sa San Juanico Bridge sa Western Visayas.

Ipinaalam na umano niya ang sitwasyon sa Philippine Ports Authority (PPA) upang makapaghanda rin ang mga pantalan sa Visayas at Mindanao.

Nabatid na may biyahe ang Batangas Port patungong Caticlan Port sa Aklan, Culasi Port sa Antique, at Iloilo at Bacolod.

Pagdating sa Bacolod ay may tawiran naman papuntang Bohol at Leyte.

Dahil sa diversion sa Batangas Port, posibleng madagdagan ang presyo ng mga produkto, dahil sa mas mahabang ruta ito kaysa sa karaniwang byahe.