Naglatag ang DPWH ng catch-up plan upang mapataas ang load limit ng San Juanico Bridge mula 3 tonelada sa 12–15 tonelada bago ang Disyembre 2025.
Ang naturang plano ay tinalakay isang on-site meeting na dinaluhan ng mga kinatawan ng DPWH, mga kontraktor, at consultant.
Dito ay binigyang pansin ang schedule, kaligtasan, at pansamantalang solusyon habang wala pa ang pondo para sa rehabilitasyon ng tulay.
Nanguna sina Usec. Ador Canlas, Asec. Nerie Bueno, Dir. Edgar Tabacon, at ARD Ma. Margarita Junia sa pagsasagawa ng inspeksiyon sa portal shoring works kung saan aabot na sa 20.60% ang natapos.
Maglalagay ng mga suportang bakal para pansamantalang mapataas ang load capacity ng tulay.
Ipinapatupad pa rin ang mga precautionary measures tulad ng 3-ton load limit, 24/7 monitoring, one-way traffic, checkpoints, gantries, at koordinasyon sa Traffic Management Committee.