Nagkaroon ng muling pag-usbong ng sakit na chikungunya ngayong 2025 sa 40 bansa, kabilang ang mga lugar na matagal nang walang naiulat na kaso.
Mula Enero hanggang Setyembre, umabot sa 445,271 ang pinagsamang bilang ng mga pinaghihinalaan at kumpirmadong kaso, at 155 ang namatay.
Bagama’t may mga rehiyon na nakapagtala ng pagtaas ng kaso kumpara noong 2024, may ilan namang bumaba ang bilang. Ang hindi pantay na distribusyon ng kaso ay nagpapahirap sa pagtukoy kung ito ay isang pandaigdigang pagtaas.
Ang paglalakbay ng mga taong may impeksyon at presensya ng lamok na Aedes ay nagpapataas ng panganib ng lokal na transmisyon.
Kabilang sa mga salik ng pagkalat ay ang kakulangan sa immunity ng populasyon, urbanisasyon, at climate change.
Patuloy ang panawagan ng World Health Organization (WHO) sa mga bansa na palakasin ang surveillance, kontrol sa lamok, at kahandaan ng sistemang pangkalusugan.