-- Advertisements --

Nakapagtala na ng unang kumpirmadong outbreak ng Marburg virus disease (MVD) sa Ethiopia, at tinutulungan ng World Health Organization (WHO) ang bansa sa pagtugon habang mataas ang panganib sa national level.

Una dito, noong Nobyembre 12, 2025, iniulat ng World Health Organization (WHO) ang abiso ng Ethiopian Ministry of Health na may pinaghihinalaang viral hemorrhagic fever sa Jinka, South Ethiopia.

Kinumpirma pa ng Ethiopian Ministry of Health noong Nobyembre 14 na ang mga kasong ito ay Marburg virus disease (MVD) matapos ang pagsusuri ng National Reference Laboratory.

Hanggang Nobyembre 20 ay anim na kaso na ang nakumpirma mula sa 33 pagsusuri, kabilang ang tatlong nasawi, habang tatlo ay patuloy na ginagamot.

Mayroon ding tatlong suspected case na epidemiologically linked ngunit hindi nasuri, gayunman lahat ng mga ito ay namatay.

Kabuuang 206 na nagkaroon ng contact ang natukoy at kasalukuyang mino-monitor, ngunit hindi pa rin matukoy ang pinagmulan ng impeksiyon.