Naniniwala si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela na ang pagsusulong ng komprontasyon sa Vietnam ay misguided na nagpapalakas lamang sa interest ng China sa pamamagitan ng pag-lihis mula sa tunay na bantang ating kinakaharap.
Ginawa ni Comm. Tarriela ang naturang pahayag matapos himukin siya ni AFP retired Brigadier General Orlando De Leon kasama sina Defense Sec. Gilbert Teodoro at National Security Adviser Eduardo Año na aksyunan ang presensiya ng Vietnam sa WPS.
Ito ay sa gitna na rin ng napaulat na malapit na umanong malagpasan ng pinapatayong island-building ng Vietnam sa Spratlys ang artificial-island building ng China.
Ayon pa kay Comm.Tarriela, bagamat may karapatan ang Pilipinas na mag-raise ng concens kaugnay sa reclamation activities ng Vietnam, mahalaga aniyang kilalanin na ilang dekada nang na-okupa ng naturang bansa ang features nito nang walang agresibong mga aksiyon.
Simula noong 2002 Declaration on the Conduct of Parties sa disputed waters, hindi na aniya nag-okupa ang Vietnam ng anumang bagong features at hindi nito ginambala pa ang presensiya ng mga okupadong features ng ating bansa, nagpapakita aniya ito ng matagal ng presensiya at hindi panibagong expansionism.
Taliwas aniya ito sa pag-okupa ng China sa Mischief Reef simula noong 1995, iligal na deployment ng kanilang maritime forces sa Scarborough Shoal simula noong 2012 at patuloy na pambubully sa mga barko ng PCG, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at fishing boats.
Hinamon din ni Tarriela si De Leon na kung tunay ang pagkamakabayan nito, dapat ang maging pokus ay ang China na paulit-ulit na nambubully at inilalagay ang AFP at PCG sa panganib sa pamamagitan ng mga agresibong aksiyon tulad ng lasers, water cannon at sadyang pagbangga.
“As a retired brigadier general of the AFP—a distinction you continue to highlight on your Facebook profile with the insignia of your one-star rank—you are expected to be well-versed in the geopolitical realities at play and to uphold the Philippines’ firm stance against China’s belligerent actions. Yet, your arguments reveal a lack of grounding in international law and the imperatives of national sovereignty. It is also difficult to ignore that your recent rhetoric aligns with the surge of pro-China narratives directed at Vietnam. Is this truly your independent view, or are you lending your voice to a broader effort that serves Beijing’s interests?”, tanong pa ni Comm. Tarriela.
Nilinaw din ni Tarriela na ang posisyon ng PH sa WPS ay hindi madidiktahan ng US o anumang panlabas na pwersa. Ito aniya ay nakabase sa international law at ng national legislation na mariing iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa huli, hinimok ni Tarriela si De Leon na irekonsidera ang kaniyang mga pahayag at sinabihang huwag magpagamit sa China at sa halip ay piliin ang Pilipinas.