Inihayag ni House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda na ang desisyon ng Pang. Ferdinand Marcos Jr., na suspindihin ang pagpapatupad ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund Act of 2023 ay isang Executive discretion.
Ibig sabihin ginamit ng Pangulong Marcos ang kaniyang kapangyarihan.
Sinabi ni Salceda ang letter of the law ay susundin pa rin nang walang pagbubukod. Ngunit dapat asahan ng IRR na may mga isyu itong kahaharapin at kung may nakitang mga isyu sa draft ng IRR ng Executive branch, maaari aniya itong lutasin kaagad bago ang full implementation ng batas.
Dagdag pa ni Salceda magbibigay umano siya ng payo sa Executive branch sa kanilang legislative intent, bilang pinuno ng Technical Working Group para sa pagbalangkas ng panukala.
Siniguro ng ekonomistang mambabatas na nasa tamang landas pa rin sila upang maipalabas ang bola sa pagtatapos ng taong ito.
Sa pagsasabatas ng PPP Code sa taong ito, inaasahan rin ni Salceda ang mga direktang pamumuhunan sa mga proyektong pangkaunlaran sa 2024.
Binigyang-diin ni Salceda na huwag masyadong mag-isip dahil ang Executive branch ay gumagawa ng mga bagay para sa kanilang sarili, gaya ng nararapat sa yugtong ito ng pagpapatupad ng batas.