Itinakda sa Marso 12 ang pagsisimula ng Ramadan.
Ito ang naging anunsiyo ng Bangsamoro Darul-Ifta’ (BDI) matapos na hindi nakita ang buwan nitong Linggo ng gabi.
Ang moon sighting na siyang nagdedetirmina ng pagsisimula ng Ramadan ay isinagawa sa iba’t-ibang lugar sa Mindanao.
Dahil sa hindi ito nakita ay nagpasya si Bangsamoro Mufti Sheikh Abdulrauf Guialani kasama ang ilang mga BDI ulama at religious sectors na simulan ang Ramadan sa Marso 12.
Isinagawa ang moon sightings sa Cotabato City, Maguindanao del Norte at mga probinsiya ng Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at Iligan City.
Ang Ramadan ay pang-siyam na buwan sa Islamic calendar.
Sa nasabing panahon ay hinihikayat ang mga Islamic faith believers na mag-fasting bilang Muslim ay dapat mag-reflect, magdasal at fast para sa spiritual discipline at pagpapalakas ng paniniwala.
HInikayat naman ni BDI Executive Director Emran Mohamad ang mga Muslim community na sumunod sa Bangsamoro Mufti declaration.