-- Advertisements --

Pormal nang idineklara ng state weather bureau ang pagsisimula ng Northeast Monsoon o Amihan season.

Hidayat ito ng pagsisimula ng mas malamig na panahon habang papalapit ang Pasko.

Ayon sa ahensya, lumakas ang high-pressure area sa East Asia na nagdulot ng bugso ng malamig na hanging mula sa hilagang-silangan, partikular sa Extreme Northern Luzon.

Kasabay nito, napansin din ang paglamig ng panahon at pagtaas ng atmospheric pressure, mga senyales ng pagsisimula ng Amihan season.

Inaasahang mas lalakas pa ang mga bugso ng hangin sa susunod na dalawang linggo, na maaaring magdulot ng maaalong karagatan sa Northern Luzon.

Sa mga darating na araw, magiging dominante ang Amihan sa malaking parte ng bansa, magdadala ng malamig at tuyong hangin, gayundin ng panandaliang paglamig ng temperatura, at posible ring makaranas ng shear line at masungit na lagay sa dagat.