Iginiit ng Malacañang na pinal na ang pagpapasailalim sa Cebu City sa enhanced community quarantine.

Ginawa ng Malacañang ang pahayag kasunod ng apela ng lungsod na ibaba ang kanilang klasipikasyon sa general community quarantine (GCQ).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, matapos ang ginawang pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) kaugnay sa mga community quarantine sa bansa, agad nilang ipinagbigay alam sa mga LGUs ang desisyong ito.

Ayon kay Sec. Roque, nabigyan ng sapat na panahon ang mga ito para makapaghanda at umapela bago i-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon.

Kaya pinal na umano ang anunsyo ni Pangulong Duterte at kailangan na lamang mag hintay ng mga ito ng hanggang sa katapusan ng Hunyo bago ang susunod na reklasipikasyon.