Malugod na tinatangga ng Malacañang ang lahat ng petisyon sa Korte Suprema laban sa Anti-Terrorism Act of 2020.
Reaksyon ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng pagsali na rin nina dating acting Supreme Court (SC) Chief Justice Antonio Carpio at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa mga naghain ng petisyon sa Korte Suprema na kumukwestyon sa ligalidad ng ilang probisyon ng batas.
Sinabi ni Sec. Roque, mabuti na rin ito na mismong mga legal luminaries ay may partisipasyon sa mga diskusyon para mas maging malawak ang talakayan.
Ayon kay Sec. Roque, hindi naman nanghihimasok ang Ehekutibo sa trabaho ng Hudikatura na isang independent co-equal branch sa gobyerno.
Sa huli, ang Korte Suprema pa rin umano ang magpapasasya kaugnay sa mga petisyong inihain laban sa Anti-Terrorism Law.