Desidido ang Department of Health (DOH) sa paghihigpit sa paggamit ng mga electric cigarette at vape.

Sinabi ni DOH spokesperson at Usec Eric Domingo, ilalabas ang mahigpit na panuntunan sa buwan ng Hunyo.

Posibleng irekomenda rin ito sa kongreso para maisama sa Tobacco Regulation Act at Sin Tax Law.

Kasamang ilalabas sa susunod na buwan ang administrative order para higpitan ang mga electronic nicotine delivery system gaya ng e-cigarette at vape.