Nauwi sa mainitang pagtatalo ang isang planong sandaling katahimikan sa U.S. House of Representatives nitong Miyerkules bilang paggunita sa pagkamatay ni Charlie Kirk, isang kilalang conservative activist at tagasuporta ni U.S. President Donald Trump.
Magugunitang si Kirk, 31, ay pinaslang sa isang speaking engagement sa Orem, Utah. Hindi pa tiyak ang motibo sa pamamaril at wala pang opisyal na ulat kung may naaresto ng suspek.
Habang inihahanda ang pagpupugay, humiling si Rep. Lauren Boebert ng panalangin at sinabi na “Silent prayers get silent results.”
Umalingawngaw naman ang pagtutol mula sa ilang Democrats na kinuwestiyon kung bakit hindi ganoon ang pagkilala sa iba pang biktima ng karahasan sa bansa.
Nauwi ito sa sigawan at may sumigaw pa ng “Pass a gun law!” Habang nagpupukpok ng martilyo si Speaker Mike Johnson upang pahupain ang kaguluhan.
Nagbunsod ang kaguluhan sa pagkakaiba-iba ng mga kongresista ukol sa nangyaring insident kung saan ang ilang conservatism, tulad nina Trump, Elon Musk, at iba pang personalidad, ay sinisisi ang tinatawag nilang “inflammatory rhetoric” mula sa ilang grupo.
Habang ang Democrats, kabilang sina Barack Obama at Gabby Giffords, ay kinondena ang karahasan ngunit nanawagan ng pagkakaisa at reporma sa batas laban sa pagmando ng paggamit ng baril.
Ayon sa datos ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), umabot na sa 46,728 ang bilang ng mga nasawi na may kinalaman sa paggamit ng baril noong 2023 — ikatlong pinakamataas sa kasaysayan ng Amerika.
Samantala nagbabala naman ang mga eksperto na maaaring lalo pang tumaas ang tensyon sa pulitika dahil sa insidente, habang panawagan ang iba na huwag gawing sandata ang trahedya upang palalain ang pagkakabaha-bahagi ng mga Amerikano.