Umalma si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa ginagawang pagpatay ng mga Chinese vessel sa kanilang Automatic Identification System (AIS) sa tuwing dumadaan ang kanilang barko sa karagatan ng Pilipinas.
Ayon kay Lorenzana, hindi normal ang ginagawa ng China dahil ang protocol ay dapat ipaalam ng isang bansa ang kanilang aktibidad kapag papasok na ito s territorial water ng ibang bansa.
Una nang sinabi ng defense department na apat na beses nang dumadaan ang mga barko ng China sa Sibutu Strait mula pa noong buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon.
Giit ni Lorenzana, wala naman problema sa pagdaan ng mga Chinese vessel sa teritoryo ng bansa basta’t wala itong gagawin na ilegal.
Ang Sibutu Straight ay matatagpuan sa isla ng Sibutu at probinsiya ng Tawi-Tawi.
Nakausap na rin ni Lorenzana si Chinese Ambassador Zao Jinhua na sabihan ang mga barko ng China na huwag patayin ang AIS.
Aniya, nararapat lamang magpaalam muna ang isang bansa sa mga lokal na awtoridad ng Pilipinas kung may plano itong ipadaan ang kanilang mga warships.
Samantala, tiniyak naman ni Western Command Commander (WESCOM) VADM Rene Medina mahigpit pa rin nila ipatutupad ang freedom of navigation na naaayon sa international law.
Regular din ang ginagawang pagpapatrolya sa teritoryo ng bansa.
“We will come if there are foreign navy in the area for the purpose of invoking the freedom of operation and their presence really doesn’t matter and for us it’s really a balance of power in the area if there are any and on the part of the Navy and Coast Guard we are sustaining our presence by conducting the regular patrol. We have the regular rotation and replenishment of our troops and provision in the area and
there is no problem with other claimant countries particularly China,” pahayag ni VADM Medina.