-- Advertisements --
Mananatili pa rin ang maximum suggested retail price (MSRP) na P43 kada kilo para sa imported rice.
Ito ang tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. habang umiiiral ang 60 araw o dalawang buwang pagbabawal sa pag-aangkat ng bigas.
Ayon sa kalihim, maigting nilang babantayan ang suplay at mga presyuhan sa merkado lalo na sa mga retailer na nagbebenta ng bigas, wholesalers at importers.
Gagawa din aniya sila ng kaukulang aksiyon para maipairal ang disiplina sa merkado.
Matatandaan, nauna ng inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng dalawang buwang rice import ban para ma-stabilize ang lokal na presyo ng palay at maprotektahan ang mga magsasaka mula sa murang imported rice.