Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na itataas na ang taripa sa imported rice simula sa Enero 1, 2026.
Ito ay kasabay ng paghahanda ng gobyerno para sa pagpapatuloy ng pag-aangkat ng bigas sa susunod na taon, na kasalukuyang itinigil para marpotektahan ang kita ng mga lokal na magsasaka ng palay sa kalagitnaan ng wet harvest season.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr., ang pagtaas ng taripa ay nagpapakita ng ilang mga reyalidad kabilang ang kamakailang paghina ng halaga ng peso at ang posibilidad ng mas mataas na presyuhan sa pandaigdigang merkado sa oras na muling pumasok ang Pilipinas sa merkado o mag-angkat ng bigas.
Inaasahang darating sa kalagitnaan ng Pebrero ang lahat ng shipments ng imported rice para masiguro ang resonableng farmgate prices sa pagsisimula ng dry harvest season at maprotektahan ang local palay producers.
Maliban dito, aalisin ng DA ang karaniwang sampung porsyentong downpayment na nire-require para sa pag-isyu ng Sanitary at Phytosanitary Import Clearances.















