-- Advertisements --

Ipinatupad na ng Department of Agriculture (DA) ang P120 kada kilo na maximum suggested retail price (SRP) sa pula at puting sibuyas ngayong araw ng Lunes, Dsiyembre 1.

Ito ay para mapigilan ang labis na pagtaas ng presyuhan ng naturang commodity.

Ang pagpapatupad ng maximum SRP sa mga sibuyas ay kasunod ng namonitor sa mga merkado na pagsipa ng retail price nito ng hanggang sa P300 kada kilo, may ilan pa na pumalo sa halos P400 kada kilo.

Aminado naman si Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr. na humigpit ang suplay dahil sa pagkaantala ng onion imports subalit hindi aniya ito dapat na idahilan para itaas ang presyo para pagkakitaan.

Sa ngayon, base sa monitoring, ayon sa kalihim, nagkakahalaga ang imported onions ng P60 kada kilo.