-- Advertisements --

Nananatiling matatag ang suplay ng bigas sa bansa sa kabila ng pananalasa ng bagyong Tino ayon kay Department of Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr.

Aniya, naani na ng mga magsasaka ang halos 80 porsyento ng mga pananim na palay at walang isyu sa suplay.

Puno din aniya ng stock na bigas ang mga bodega ng National Food Authority (NFA).

Saad pa ng kalihim na mayroon ding 90-day stockpile ang bansa.

Ito ay bunsod na rin ng inaasahang pagbaba ng stocks na imported rice sa Nobiyembre 15 at simula ng paggamit na ng mga rice stock mula sa mga lokal na industriya.

Naghahanda na rin ang ahensiya sa susunod na anihan sa Pebrero hanggang Mayo ng susunod na taon.