Trump Xi G20 2019
Trump and Xi

Inanunsiyo ng US President Donald Trump ang “phase one” sa mas mataas na trade deal sa China.

Ayon kay Trump na ang panibagong trade deal ay kanilang paplantsahin sa muling pagkikita nila ni Chinese President Xi Jinping sa Nobyembre.

Dahil sa nasabing bagong trade deal ay hindi matutuloy pa ang nakatakdang pagpataw ng panibagong taripa sa may $250 billion na produkto ng mula sa China sa darating na October 15 na mula sa 25% ay magiging 30% na lamang.

Nakatakdang magkita sina Trump at Xi sa Nobyembre sa gaganaping Asia Pacific Economic Cooperation meetings na gaganapin sa Chile.