-- Advertisements --
Mariing kinondena ni Minnesota Governor Tim Walz ang pagpaslang kay dating House Speaker Melissa Hortman at sa asawa nito.
Sugatan din sa hiwalay na insidente si Minnesota Senator John Hoffman at ang asawa nito na pinagbabawil habang nasa kanilang bahay sa Champlin.
Ayon kay Governor Walz nakikipag ugnayan na sila sa mga otoridad kaugnay sa insidente ng sa gayon hindi na ito maulit pa.
Natukoy na rin ang suspek sa pamamaril na si Vance Luther Boelter, 57 years old na nag mamay-ari ng isang private security company ang Praetorian Guard Security Services.
Inilarawan ni Walz ang insidente bilang “politically-motivated assassination.”